in

BATANGAS: Kilalanin Ang Viral Shawarma Girl Ng Batangas City

Naalala ga ninyo ang mga bidyo ng makulit na batangginyang areh na nag-interview ng magtitinda ng Shawarma at nagpakambyo kay Mamang tsuper na byaheng SM Capitolio-Batangas City.

Kadaming na-good vibes lalo na ang mga kabatang nating OFWs dahil sa likas na kalog, makulit at balakatak ng dalaga, ika nga sa salitang batangas na ibig sabihin ay madaldal.

KILALANIN ANG VIRAL SHAWARMA GIRL NG BATANGAS CITY…

“Magandang hapon sa umaga” mga kabatang, yan ang palaging bungad nitong si Shawarma girl sa kanyang mga videos na kumalat at patuloy na kumakalat sa social media.

Sa kasalukuyan nasa 400K views ang video niya ng Shawarma at halos 100K views naman ang kay Mamang Tsuper na ipinadala ng mga kaibigan niya sa ating Facebook page. Bukod pa ang upload nito sa account nilang magkakabarkada. Sino nga ga aring dalaginding na ari, ating kilalanin..

14202684_1188714967868365_7864498855254496673_n

Name : Kristine Joy C. Axalan

Age :19

School: Lyceum of the Philippines University Batangas

Course: Bachelor of Science in Customs Administration

Sa aming paghahagilap ay nakutaptapan namin at nakilala kung sino siya. Ang ngalan niya ay Kristine Joy Axalan, ang palayaw ay “Tayn”, 19 anyos, at istudyante ng Lyceum of the Philippines University-Batangas sa kursong BS Customs Administration.

Ayon sa aming source, likas daw na maingay, makulit, at kalog talaga itong si Tayn. Kung ano raw ang nakikita natin sa video ay siya rin umano ang katauhan nito sa totoong buhay.

Nagumpisa umano ang katuwaang pagkuha nila ng videos sa loob mismo ng kanilang classroom habang hinihintay umano nila ang kanilang Professor. Ayon kay Tayn, “hindi po pwedeng tahimik laang ako sa upuan. Pag wala akong ginagawa manttrip ako, mangungulit. Eh noong time po na yun ay nabagyo, nag-report ako sa room na ang tema ay”Magandang hapon”. 

Panoorin ang video.

Nasundan naman ito ng video nitong Hulyo 2016, kung saan siya ay tinagurian ng mga netizens na Shawarma girl. Sila umano ay suki ni Manong na magtitinda ng Shawarma malapit sa LPU-B Main Campus ng halos 2 taon. Naisipan umano nila na i-good time ang manong.

Panoorin ang video.

Ngay-ong buwang ito, ipinadala sa amin ang bagong bidyo ni Tayn kung saan ang mamang tsuper naman na byaheng SM Capitolio-Batangas City ang kanilang napagtripan, “sa unahan kasi ako umupo eh..makwento sya, eh mas makwento ako kaya ayun sabi ko interviewhin ko siya.. sigee daw..e di pak-gay-own,” ayon kay Tayn.

Panoorin ang video.

Samantala, labis namang natuwa si Tayn sa mga mensaheng ipinadala sa kanya ng mga kabatang nating OFWs na nawawala umano ang homesick at pagod sa tarbaho sa ibang bansa. Ito ang kanyang naturan:

“Kaya po ako naiinspired lalo gumawa ng videos ay sa mga tao napapasaya ko lalo na ung mga nagmemessage saken na nawawala daw pagod nila at lalo na ang mga OFWs na nawawala ang homesick at pagod sa trabaho sa ibang bansa ❤️

Saludo kami sa iyo Tayn aka “Shawarma Girl” at sa iyong mga kaibigan.(Sources:FB/Earl John,Tayn Axalan)

Barako Logo
 | Website |  + posts

Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.

What do you think?

Written by Barako PH Writers

Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

GIPHY App Key not set. Please check settings