in , , ,

SPOTTED: Camille Prats Muling Nagpakasal Sa Ikalawang Pagkakataon Sa Batangas

Camille Prats

Muling nagpakasal ang aktres na si Camille Prats sa ikalawang pagkakataon nitong Sabado, January 07, 2017 sa Nayomi Sanctuary resort na pag-aari mismo ng pamilya Prats sa Balete, Batangas.

Nagpakasal ang 90s child star na ngayon ay Kapuso host/actress sa businessman na si VJ Yambao. Ito ang kanyang ikalawang pagpapakasal matapos na mamatay ang dating asawa nito na si Anthony Linsangan sa sakit na cancer noong 2011 na kung saan nagkaroon ng isang anak na lalake ang aktres.

CAMILLE PRATS AT VJ YAMBAO NAGAPAKASAL SA BALETE, BATANGAS…

“A Second Chance At Forever” ang tila naging tema ng muling pagpapakasal ng aktres na si Camille Prats sa businessman boyfriend nito na si VJ Yambao nitong Sabado sa Nayomi Sanctuary Resorts sa Balete, Batangas.

Ang kasal kasing ito ng aktres kay Yambao ay ikalawang pagpapakasal na niya matapos ang malungkot na sinapit ng dating asawa nito na si Anthony Linsangan na namatay sa sakit na nasopharyngeal cancer noong September 23, 2011.

https://www.instagram.com/p/BO9V7-UAScX/

Ikinasal si Prats sa unang asawa noong March 5, 2010 sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park. Bago pa man ang church wedding na nabanggit ay nagkaroon na rin ng civil wedding ang dalawa sa Los Angeles, California noong January 5, 2008.

Nagbunga ng isang supling na lalake ang unang pagpapakasal ng aktres at pinangalanan nila itong Nathaniel Caesar Linsangan aka Nathan na magwawalong taong gulang na ngayong January 24.

Si Prats at Yambao ay muling nagkita sa di inaasahang pagkakataon matapos ang 20 taon sa isang beach sa California na kung saan namuo ang kanilang relasyon.

https://youtu.be/2VF-OrnwjC8

Si Camille at VJ ay nagkaroon ng 3-taong long distance relationship bago nagdesisyong magpakasal.

https://www.instagram.com/p/BO_mnBfhDo9/

Sa isang panayam kay Prats ng Pep.ph, malaki umano ang naging bahagi ng ng pagpayag ng anak nitong si Nathan sa pagpasok sa bagong relasyon at pag-Oo sa wedding proposal ni Yambao.

https://www.instagram.com/p/BPAcELCjRc8/

Ayon kay Prats, “I’m always after my son’s happiness. If he’s not happy about something, hindi rin magma-materialize sa ‘kin iyon,” ayon sa aktres. “Kaya rin umabot sa ganito, itong relationship na ito, it’s also because of him” dagdag pa niya.

https://www.instagram.com/p/BPAi1GUjI1O/

Dinaluhan ng mga kapamilya at mga kaibigan ng ngayon ay mag-asawang Yambao ang kasal na ito sa Balete, Batangas.(Sources: pep.ph)

Read more: BATANGAS

Barako Logo
 | Website |  + posts

Barako PH is a Batangas-based digital marketing platform under Boomer Events and Production. The brand was created to promote and support local businesses in the Philippines through online marketing tools and services. Barako PH offers a wide range of services including website design and development, SEO, social media marketing, and online advertising. The company also provides a platform for businesses to connect with their customers and promote their products and services. Barako PH is committed to providing the best possible service to its clients and helping them grow their businesses.

What do you think?

Written by Barako PH Writers

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

GIPHY App Key not set. Please check settings